May 5, 2024

ATLANTA HAWKS, DINAGIT ANG 76ERS SA GAME 1 NG EAST SEMIS, 128-124

Nakasilat ang Atlanta Hawks ng panalo sa Game 1 ng Eastern Conference semifinals. Dinagit ng Hawks ang Philadelphia 76ers, 128-124. Kaya, nakauna na ang Hawks sa series, 1-0.

Ang maganda at mabilis na opensa ng Hawks ang naging susi ng kanilang panalo.

Impresibo ang performance ni Trae Young sa pagbuslo ng 35 points, 10 assists at 2 steals. Nag-ambag naman si Bogdan Bogdanovic ng 21 points, 4 boards at 5 assists.

Sa panig naman ng Sixers, nagtala si Joel Embiid ng 39 points, 9 boards at 4 assists. Habang si Seth Curry ay nagbuslo ng 21 points, 4 boards at 3 assists.

Binulaga na agad ng Hawks sa first half ang Sixers. Nawalan ng silbi ang oull court pressure ng Philadelphia sa bilis ng opensa ng Hawks.

Tinambaka ng Atlanta ang Philadelphia ng mahigit sa 20 points sa unang yugto. Pero, nakahabol ang Sixers sa bandang huli.

Ngunit, huli na ang lahat dahil nakasasagot ang Hawks sa bawat opensa nila.