May 4, 2024

AMIHAN SPORTS, NAGHARI SA WILD RIFT SEA SUMMER SERIES

Naghari ang Amihan Esports sa Wild Rift Southeast Asia Icon Series Philippines Summer Season championship. Sinikwat ng Amihan ang 3-2 victory kontra sa Team Secret sa grand finals kahapon.

Ito’y sa kabila na nalaglag ang Visayas champion ang two consecutive games sa Team Secret para makaalpas sa elimination.

Gayunman, ang monster Akali mula kay KARLL sa 16-7 Game 4 win ang nagpalaot sa kanila sa winner take-all Game 5.

Hindi na binigyan ng Amihan Esports ang Team Secret ng pag-asang makaalagwa. Dinomina na ng una an huli sa killer na 16-1 score.

Bumida si Jelson sa Game 5 sa pagtala ng 11 assists at 2 kills. Wala rin siyang single death.

Pinangunahan naman ni Janna ni Orhtros ang opensa ng Amihan. Nagtala sila ng 5 kills at 10 assists. Habang si Demon’s Xayah ay nagtala ng 6 kills at 5 assists.