May 16, 2024

ATENEO LADY EAGLES, KINALDAG ANG UST LADY TIGRESSES

Bumuwelo para sa isang spike attack si Faith Nisperos ng Ateneo Lady Eagles habang nakaabang ang depensa ng UST Lady Tigresses sa tagpong ito ng kanilang laro sa 2nd round ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena. UAAP PHOTO

Kinaldag ng Ateneo Lady Eagles ang UST Lady Tigresses, 25-20,25-20,25-20 sa UAAP Season 84 women;s volleyball tourney. Nadagit din ng Ateneo ang 5th win sa torneo.

Tinagpas din ng Katipunan based volleybelles ang 4-game winning streak ng Uste.  Bukod dito, nakaresbak din sila sa UST sa 4-set defeat sa first round.
Nanguna sa opensa ng Lady Eagles si Faith Nisperos na may 18 points. Si Vanessa Gandler at Joan Narit naman ay nag-ambag ng 12 at 11 points. Sa panig naman ng UST, bumira si Eya Laure ng 14 points.

Sa ngayon, may record ang UST na 7-3 habang 5-5 naman ang sa Ateneo.