May 19, 2024

ARJO ATAYDE, TATAKBONG COUNCILOR PARA MAIBALIK ANG PRANGKISA NG ABS-CBN SA ERE

Handa nang pasukin ni Arjo Atayde ang mundo ng pulitika. Ang chika, target niyang tumakbong Councilor sa 3rd District ng Quezon City.

Magiging mahigpit niyang kalaban ay ang kapatid ni Councilor Alfred Vargaz na si Patrick Michael Vargas. Kaya mahigpitan ang laban nila ngayon.

At ang matinding chika na aking nasagap, kaya lamang daw papasukin ni Arjo ang politika ay para mapabuksang muli ang kanilang TV network na kanilang pinanggalingan.

Totoo kaya ito? How sad naman kung totoo ito. At ang malaking tanong ay totoo na bang nakakasa na ang pagpasok ni Arjo Atayde sa pulitika?

Ang alam kasi namin ay kailangan pang muling mag-aral ni Arjo, dahil intresado talaga ang actor kaya kung pasukin man niya ang politika ay iyong handang handa na talaga siya at planado. MATT GARCIA