May 19, 2024

ANDREA TORRES, ‘DI RAW TANGGAP NG MGA FANS NI JOHN LLOYD NA MAKATAMBAL SA TELESERYENG GAGAWIN NILA SA GMA-7

Nalulungkot si Andrea Torres nang malaman niya na iyong ibang mga followers ni John Lloyd Cruz ay ayaw siyang makatambal.

Pero gayunpaman, ayaw paapekto ni Andrea sa mga ito. Dahil para sa kanya ang makatambal si Lloydie ay isa itong karangalan na hindi dapat palagpasin

Mahirap iplease ang mga tao, kaya ok lang kung ayaw nila sa akin. Pero naniniwala naman akong, marami rin namang ibang mga fans na gusto nilang makatambal ko sa isang tv serye ang kanilang idolong si John Lloyd Cruz.,” sabi ni Andrea.

At para sa akin isa itong karangalan dahil John Lloyd iyan ano? Ako pa ba ang aayaw. Never ano? “Happy ako dahil first time ito sa aking showbiz career, at excited na nga akong maumpisahan ang aming seryeng pagsasamahan. Kaya anytime na magpatawag sila ay andito lang ako at ready na talagang mag start mag work with Lloydie,” pahayag pa ni Andrea Torres.

MATT GARCIA