May 13, 2024

MAJA SALVADOR, REYNA PA RIN NG DANCE FLOOR

Ang lakas pa rin talaga ng dating ni Maja Salvador sa kanyang mga dance cover shoot . At talaga namang nagustuhan ito ng kanyang mga fans.

Hindi talaga siya nagpatalo, dahil ang kanyang pa dance cover na k-pop song na ‘Nunu Nana’ ay kinagigiliwan ngayon.

Hindi pa rin kayang kabugin nitong si Chinita ang husay ni Majasty sa dance floor. Nang mawala sa ABS-CBN si Majasty ay umarangkada itong si Chinita sa dance floor.

Pero nang umere na sa TV5 itong si Maja Salvador, muli na namang nakuha nito ang simpatya ng mga tao dahil pinahanga niyang muli sa kanyang pagsasayaw ang kanyang mga followers. Hanggang ngayon hindi pa rin mapantayan ni Kim ang husay ni Maja sa dance floor.

Siya pa rin ang nananatiling reyna ng dance floor. Umani ng positibong reaction at talagang hinangaan si Maja Salvador sa husay nitong sumayaw at gumiling.

Kaya naman hanggang ngayon ay hindi ito mapataob ng mga nagtangkang agawin sa kanya ang pagiging reyna ng dance floor. MATT GARCIA