September 9, 2024

ANG PAGBABALIK NI GIBO TEODORO

Maluwag na tinanggap ang kanyang pagkatalo noong 2010, heto’t muling nagbabalik si dating defense secretary Gilberto Teodoro matapos ang isang dekadang pananahimik sa pulitika.

Ang dahilan ni Gibo… Nais niyang maging running mate si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na umuugong na tatakbo sa pagkapangulo sa 2022.

“I see a potential leader, a youthful leader who can inspire the youth. And I would like to help this country, with a unifying leadership, go forward and recover as soon as possible,” ayon kay Teodoro.

“There’s a need to bridge that gap and an experience on both sides of the aisle, I can bring to the fore. Secondly, both independence of mind. We don’t have political parties. I am not a member a national political party anymore, neither does Mayor Sara,” dagdag pa nito.

Ayon kay Teodoro, na ‘olats’ sa pagkapresidente noong 2010, bukal sa kanyang loob na tumakbo bilang bise presidente ni Mayor Sara.

At para ipakita ang kanyang sensiridad, nagtungo pa ang mama sa Davao City noong nakaraang linggo upang bisitahin ang anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nang mabalikan ang kanyang pagkatalo sa presidential bid, sinabi ni Teodoro na, “Naturally losing is not an easy thing to go through. But it humbles you, it matures you, it makes you more realistic in life. And it opened up a lot of opportunities to be in the private sector, learning a lot.”

Tumakbo so Teodoro sa ilalim ng Lakas-CMD party noong 2010. Nagsilbi siya bilang defense secretary noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Naging kongresista rin siya ng Tarlac at pinangunahan ang Nationalist People’s Coalition ng kanyang tiyuhin na si yumaong tycoon Eduardo “Danding” Cojuangco.

Gayunpaman, wala pa sa isip niya sa ngayon na sumapi sa isang partido.

“Right now I have independence of mind and thought and after 10 years, I do not want to be bound by pre-existing promises or conditions,” saad niya.

Klinaro rin niya na walang naging papel si Arroyo sa kanilang pagpupulong ni Duterte-Carpio noong nakaraang linggo.

Panahon ngayon hindi magtanim ng sama ng loob. Ang dapat sama ng loob lang ay sa COVID. Walang iba. We can’t afford it right now,” dagdag niya.

Malaki ang tsansa ni Gibo Teodoro na manalo sa darating na eleksyon kung bibitbitin siya ni Mayor Sara Duterte na nangunguna ngayon sa mga nagsusulputang survey. Peksman!

Abangan…