May 19, 2024

AGIMAT NG AGILA’ TULAY NA TULOY NA ANG BOOK 2

MASAYANG-MASAYA si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., na hindi talaga na sayang ang ginagawa niyang pag-bobody building.

Dahil gusto niyang makita siya ng kanyang mga followers na bodyfit at para bagay na bagay siya sa kanyang role na gagampanan. Ilang episodes na rin ang kanyang natapos, at hindi na magtatagal ay mapapanood na ito sa GMA-7.

Excited na rin ako sa book 2 nang aming ‘Agimat Ng Agila,’ pinaganda talaga nang aming direktor na si Rico Gutierrez ang mga eksena.”

Pati nga ang mga fighting scene namin, talagang hindi maiiwasan na magkaroon ng sakitn. Ginastusan ito ng GMA-7, kaya alam kong muli nilang magugustuahn ang aming book 2 ng ‘Agimat Ng Agila.’

Malaki ang aking pasasalamat sa management nang GMA-7, sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa aking kakayahan. Sa aking mga followers na palaging andyan, hindi ko talaga sila nakitang bumitaw. Kung hindi dahil sa kanila, hindi rin naman tataas ang ratings ng aming Book 1 ng ‘Agimat Ng Agila.’ Kaya sana sa book 2, ay magkitakita tayong mulim” saad pa ni Bong.