May 19, 2024

BUGOY CARIÑO, TO DA RESCUE KAY EJ KONTRA BASHERS

To the rescue si Bugoy Cariño sa kanyang sweetie pie na si EJ Laure kontra sa mga bashers. Ang pang-uupat ay nag-ugat sa lumabas na video sa TikTok. Gumawa kasi ng maikling video ang magsing-irog.

Ang video ay kuha sa isang private pool. Gayunman, may ilang nagcomments na bashers. Kesyo ba’t ganun daw ang hitsura ni EJ, dating player ng UST Lady Tigresses.

Siyempre, nasaktan si Bugoy sa upat ng mga bashers. Natural lang na ipagtanggol niya si EJ. Sinabihan kasi si EJ na mukhang bakla at mukhang nanay. Wala daw laman (yung boobs). Parang pader daw.

Ok na ‘yung ganyan. Kesa naman sa ibang babae na puro ganda at laki ng osus lang ang laban,” banat ni Bugoy.