May 18, 2024

Di raw totoong buntis, SHAINA MAGDAYAO, SWEET LANG DAW KAY PAPA P.

HINDI naman tutol ang pamilya ni Shaina Magdayao, kung sakaling mabuntis siya. Kung si Piolo nga ang ama nang ipinagbubuntis ng kanilang anak na si Shaina, tanggap naman nila iyon.

Dahil si Papa P. Pala ay pamilya na ang turing nila. Kumalat ang intrigang iyan, dahil nakita nilang super sweet sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa Bohol. Inakala nilang iyon ang daan para mabuntis si Shaina, dahil lantaran na nilang ipinakikita sa mundo ang kanilang pag-iibigan.

Kasama nina Shaina at Papa P., ang kanilang mga kaibigan na sina Raymart Santiago at Jodi Santamaria sa bohol. Iyong sweetness nina Papa P. at Shaina na lantaran nilang ipinakita sa madla, doon nag-ugat na sila’y pagtsismisan. At doon din kumalat na si Shaina ay isang buntis.

Pero ang totoo ay hindi naman buntis si Shaina.” Sabi pa ng aking saksi na malapit kina Shaina at Piolo. Natatawa na lamang sina Piolo at Shaina, dahil iba ang dating kanilang sweetness.

Pero wala namang umaamin sa dalawa na kung talagang may relasyon na sila. Iyong buntis isyu naman ay kanilang ipinag kimit balikat na lamang ang lahat, dahil ayon sa dalawa ay hindi naman totoo ang nasabing isyu.