Hindi lang Tagalog ang Pilipino! 5 bagong wika idinagdag sa Atlas ng mga Wika – buhay ang wika, buhay ang lahi!
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
MATAGUMPAY na inilunsad ang Atlas ng mga Wika ng Pilipinas 2nd Edition ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF, itinatag 1936 at nireporma 1991) sa Courtyard ng National Museum of Natural History!
Buong karangalang dumalo sina Tagapangulo/Punong Komisyoner Atty. Marites A. Barrios-Taran (Kinatawan ng Wikang Tagalog), Full-time na Komisyoner Dr. Benjamin M. Mendillo, Jr. (Komisyoner IV, Administration and Finance), at Full-time na Komisyoner Dr. Carmelita C. Abdurahman (Komisyoner IV, Programs and Projects). Ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP, itinatag 1933) ay naging bahagi sa makasaysayang okasyon sa pangunguna ni Bb. Rosario V. Sapitan, Deputy Executive Director for Administration, patunay na ang kasaysayan ay buhay sa bawat wika.
Bunga ng pakikipagtulungan sa mga katutubong pamayanan ay limang (5) bagong wika ang opisyal na nadagdag sa Atlas – kabilang ang Filipino Sign Language (FSL)! Isang makasaysayang pagkilala na sa Bagong Pilipinas, walang wikang maiiwan.
Isinabay ang paglulunsad sa pagtatapos ng Buwan ng mga Katutubong Mamamayan 2026.
Dahil ang bawat wika ay kasaysayan. At ang bawat kasaysayan, dapat pakinggan.
