Pinatunayan ng Department of Science and Technology (DOST) XII at ng Career Executive Service Board (CESB) na magkatwang ang agham at malasakit matapos nilang pagsamahin ang programang “Agapay ng Agham” at “Compassion Project” para sa mga pamilyang nasalanta ng malakas na lindol at mga sunod-sunod na bagyo sa lalawigan ng Sarangani.
Pormal na initurn-over ang mga tulong sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sarangani sa pamumuno ni Governor Rogelio D. Pacquiao upang mabilis na maiparating sa Barangay Pangyan at iba pang naitalang pinsalang komunidad.
Pinangunahan ni DOST SOCCSKSARGEN Regional Director Engr. Sammy P. Malawan, PhD, at CESB Chairperson Dr. Urdujah G. Alvarado, CESO II, ang pamamahagi ng mga tulong na nakabatay sa agham at teknolohiya.
BASAHIN: Angara pinabilis ang hiring ng 10,000 school counselor associates
Kabilang sa mga ipinamahagi ang Iron-Fortified Rice mula sa DOST-FNRI, Ready-to-Eat (RTE) food packs, at Ceramic Water Filters mula sa DOST-ITDI upang tiyakin ang ligtas na inuming tubig at sapat na nutrisyon ng mga bakwit at pamilyang nawalan ng tirahan.
Taos-pusong nagpasalamat si Gov. Pacquiao sa patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan, habang binigyang-diin naman ng DOST at CESB na ang tunay na serbisyo publiko at agham ay lalong nagkakaroon ng halaga kapag direktang nakatutulong sa kaligtasan at pagbangon ng mga mamamayan mula sa mga matitinding kalamidad.
