Nakiisa ang mga mag-aaral ng Corazon C. Aquino Elementary School sa Quezon City sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 ngayong Huwebes, Hunyo 18, 2026.
Sa hudyat ng sirena na nagbabadya ng pagyanig, mabilis at maayos na isinagawa ng mga mag-aaral ang tamang pamamaraan ng “Duck, Cover, and Hold.”
Agad na sumilong ang mga bata sa ilalim ng kanilang mga desk upang protektahan ang kanilang sarili habang nagaganap ang simula ng paglindol.
BASAHIN: UP Diliman, handa na para sa taunang Pride March sa Hunyo 27
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pambansang kampanya ng pamahalaan na naglalayong patatagin ang kahandaan ng mga paaralan at komunidad sa panahon ng sakuna, itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa mga panganib na dulot ng malakas na lindol, at pahusayin ang kakayahan sa pagtugon ng mga emergency response team at nang mismong mga mamamayan kung sakaling tumama ang isang malakas na pagyanig.
Naging matagumpay ang partisipasyon ng paaralan, na nagpapakita na ang kahandaan ng kabataan ay isang malaking hakbang upang maiwasan ang malubhang pinsala at matiyak ang kaligtasan ng lahat sa oras ng kalamidad.
