TINATAYANG nasa 21 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Batay sa ulat, dakong alas-9:51 ng Linggo ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Samaca Compound, Brgy., Bagbaguin at mabilis na kumalat ang apoy sa magkakatabing bahay.
Agad inakyat sa ikalawang alarma ang sunog na tuluyang naapula ng rumespondeng mga tauhan ng bumbero dakong alas-10:13 ng gabi.
Isang residente ang napaulat na nasugatan habang inaalam pa ang naging dahilan ng sunog na tumupok sa nasa 13 kabahayan at kung magkaano ang halaga ng ari-arian ang naabo.
Samantala, alas-12 ng hating gabi nang sumiklab din ang sunog sa dalawang paglabag na bahay na may carinderya sa Brgy., Maysan kung saan ligtas naman nakalabas ang dalawang pamilya.
