Larawan mula sa Rizal PPO
NASAMSAM ang mahigit isang milyong piso halaga ng hinihinalang shabu ng Taytay Municipal Police Station (MPS) matapos ikasa ang isang buy-bust operation laban sa isang alyas Daniel, na itinuturing na high-value individual, nitong Disyembre 4, bandang alas-11:55 ng gabi sa Blk 20, San Lorenzo Ruiz, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Ayon sa ulat ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Taytay MPS, sa pakikipagkoordina sa PDEA, nahuli ang suspek matapos makipag-transaksyon sa poseur-buyer at maipasa ang isang pirasong heat-sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu.
Nasamsam mula kay Daniel ang dalawang karagdagang heat-sealed sachet ng shabu, isang knot-tied transparent plastic pack ng shabu at Isang 9mm pistol na may magasin at apat na live ammunition, nakalagay sa kanyang sling bag
Sa isinagawang body search, narekober mula sa suspek ang 2 karagdagang sachet ng hinihinalang shabu at isang 1 knot-tied transparent plastic pack na naglalaman ng mas malaking gramo ng droga. Nakuha rin sa loob ng kanyang sling bag ang isang caliber 9mm pistol na may kasamang magazine at 4 na bala. Dagdag pa rito, natagpuan ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu sa compartment ng kanyang motorsiklo kasabay ng weighing scale, recovered cash na Php1,000.00, at ang buy-bust money na Php1,000.00.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Taytay Custodial Facility habang inihahanda ang kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Firearms Law.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya laban sa suspek at posibleng konektadong drug syndicates sa lugar. (Arnold Pajaron Jr)
