MAGANDANG balita para sa mga konsumer ng Meralco matapos ianunsiyo na bababa ang singil sa kuryente ngayong Setyembre.
Sinabi ni Joe R. Zaldarriaga, Meralco Vice President at Head of Corporate Communications, na pangunahing dahilan ng pagbaba ang pag-unti ng generation charge, na siyang bumubuo ng malaking bahagi ng kabuuang singil sa kuryente.
Nakakatulong din ang paglakas ng piso laban sa US dollar, na nagbawas sa dollar-linked na gastos ng mga supplier ng Meralco.
Ang natipid dito ay sapat para mapantayan ang cost recovery ng San Miguel Global Power mula sa mga tinigil nitong supply contracts, na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) simula ngayong buwan.
“Overall, we are optimistic na ang reduction sa generation charge ay sapat para ma-offset ang pagtaas sa ibang bahagi ng bill,” pahayag ni Zaldarriaga. (MINA PADERNA)
