NGAYONG 10-14 Setyembre 2025 Miyerkoles-Linggo ay magaganap ang Manila International Book Fair (MIBF) sa SMX Convention Center Manila, Mall of Asia Complex, Lungsod Pasay. Ang gawain ay malaking pagtitipon ng mga exhibitors, mga manunulat ng aklat, publishers, mga guro, mga mananaliksik, at mga mag-aaral.

Ang MIBF ang pinakamatagal at pinakamalaking book fair na nagaganap sa bansa taon-taon. Sa loob ng mahigit na apat na dekada ay patuloy na nagpapakita ng mga komprehensibong koleksyon ng mga aklat, magasin, komiks, educational aids, at iba pang mga kaugnay na babasahin.
Ang mga exhibitors sa MIBF ay hindi lamang mga lokal na publishers at bookstores bagkus maging ang mga book printers, foreign publishers, embassies, art and craft suppliers, artist groups, tech businesses, paper suppliers, libraries, at iba pa.
Mahigit sa limampung (50+) engaging events ang nagaganap sa limang araw ng book fair. Ang mga events ay inihanda bilang bahagi ng business side sa pagpapalimbag, pagkakataon sa mga consumer na magpapirma ng mga aklat sa manunulat, at matalakay ang proseso ng publishing at bookmaking.
Ngayong taon ang tema ng MIBF ay ‘Stories in Every Form’ ay patungkol sa pagbabahagi ng mga kaalaman at karunungan sa iba’t ibang genre ng panitikan at porma ng kagamitan. Matutunghayan ang mga bagong aklat at babasahing naipalimbag na naging bestsellers, graphic novels, at iba pang pang-akademikong kagamitan, kabilang na ang ilan sa mga panayam at workshops mula sa mga kilalang manunulat na Pambansang Alagad ng Sining patungo sa mga manunulat ng popular na Wattpad.
Ang mga Publishers at booksellers sa parehong lokal at banyaga ay magbibigay ng eksklusibong diskuwento at promosyon na nagbibigay kulay at pananabik sa mga tagapagtangkilik.
Sa pagdaan ng panahon ay naging bahagi na ng kontemporayo ang MIBF ng mga book lovers at manunulat, maging ng mga manlilikha ng sining, at iba pa.
Kita kits sa SMX! Mabuhay ang MIBF!
