Mga Cabalen, napapaisip lang ang ating mga ka-Cabalen, hindi kaya balagoong ang mga Discaya sa pagkilos labas sa mga sangkot ghost flood control project?
Aba naman, eto na naman tayo, ang mapaparusahan at sacrificial lamb ng mga tunay na puno ng karumal-dumal na paglustay sa bilyong halaga ng flood cotrol project ay hindi napaparusahan.
Ang mga tunay na nakinabang sa pangungurakot ay hindi napaparusahan! Kumusta naman ang kongreso at senado? Ang mga naglabas ng pondo para masalo ng mga Discaya ang bilyong halaga ng mga proyekto?
Di ba dapat sila ang bungkalin at usisain? Nasaan ang mga Congressman na nagpasasa sa kaban ng bayan, pati na ang mga pamilya nito na sandamukal ang pera at nabubuhay na parang sila lamang ang anak ng Diyos!
Ang mga Discaya na di magkamayaw kung paano waldasin ang perang kinita mula flood control projects ng DPWH ay guilty pero lalo namang guilty ang pamunuan ng kongreso sapagkat sila ang nagsubo sa mga kontratistang gaya ng mga Discaya!
Kung totoo ngang hindi lulubayan ni Pangulong Marcos Jr ang mga sangkot sa ghost flood control projects dapat umpisahan na niyang ipakulong kung saan galing ang pondo ng flood control projects.
Tama lamang na igisa sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado ang mga District Engineers dahil sila ang pinanggalingan ng proyekto na kung saan isinalpak ng kongreso ang P11 bilyong halaga ng ghost project.
Mga buwayang walang kunsensiya na nagpasasa at nagbabad sa karangyaan kasama ang kanilang pamilya dapat managot sa taong bayan!
Dapat nang mag-utos si PBBM ng pagpapakulong sa mga buwaya hindi lamang sa mga butiki!
Nakakagigil na kayong mga nasa kongreso! Lumala pa kesa dati ang kasakiman ninyo!
