PATAY ang isang suspek na naghurumentado at namaril na ikinasawi din ng kanyang pamangkin at kapitbahay matapos itong manlaban sa mga rumespondeng pulis ng Sta. Rosa Component City Police Station nitong Linggo ng umaga, Agosto 31, 2025, sa Olympia Subdivision Brgy. Labas ng Santa Rosa City, Laguna.
Kinilala ng mga imbestigador ang suspek na si alyas Nestor, 60 taon gulang residente sa kaparehong lugar.
Ayon sa ulat ni Santa Rosa Component City Police Station Chief PLtCol. Benson D. Pimentel, nakatanggap sila ng tawag galing sa 911 pasado alas-8:30 ng umaga kaugnay ng nasabing pamamaril.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na pinagbabaril ng suspek ang unang biktima na si alyas Victor, 65 anyos at ang pamangkin na si alyas Dexter na sumubok umawat sa suspek na tinamaan sa ulo at agad din binawian ng buhay, habang nagtamo ng dalawang tama ng bala si Victor at idineklarang dead on arrival ang tatlo sa Sta. Rosa Community Hospital.
Mabilis na nagresponde ang mga pulis at naabutan ang suspek na armado ng cal .38 revolver at pinaputukan umano ng suspek ang mga awtoridad kaya napilitang gumanti ng putok ang mga ito, na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Napag-alaman din na may matagal nang may alitan sina alyas Nestor at ang biktimang si Victor na pinaghihinalaang siyang gumawa ng paraan para maipasok sa Drugs Rehabilitation ang suspek. N
agpapatuloy ngayon ang technical at forensic investigation ng Regional Forensic Unit 4A sa lugar ng crime scene. (ERICHH ABRENICA)
