
Umabot sa 1,004 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula Hunyo 13 hanggang Hulyo 3, kabilang ang 90 PDL na dumalo sa isang culminating ceremony ngayong araw sa New Bilibid Compound sa Muntinlupa City.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang bilang na ito ay nagdadala sa kabuuang 24,583 PDLs na pinalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang mga dahilan ng kanilang paglaya ay ang mga sumusunod:
- Acquittal – 61
- Granted probation – 16
- Habeas Corpus – 16
- Parole – 94
- Bail Bond – 1
- Cash Bond – 1
- Expired sentence (hindi saklaw ng Department Order 652) – 459
- Expired sentence (may apruba ng DOJ sa ilalim ng D.O. 652) – 356
Ipinaliwanag ni Catapang na sa ilalim ng Department Order 652 ng Department of Justice (DOJ) na inilabas noong nakaraang taon, ang mga PDL na may expired sentence ay maaari nang palayain sa apruba ng BuCor Director General, maliban na lamang sa mga sinentensiyahan ng reclusion perpetua, life imprisonment, o mga itinuturing na high-risk/high-profile, na nangangailangan pa rin ng apruba mula sa Secretary of Justice.
Ang mga pinalayang PDL ay mula sa iba’t ibang pasilidad ng BuCor:
Correctional Institution for Women (CIW) – 52
CIW-Iwahig Prison and Penal Farm – 1
CIW-Mindanao – 10
Davao Prison and Penal Farm – 136
Iwahig Prison and Penal Farm – 109
Leyte Regional Prison – 50
New Bilibid Prison (NBP) – 256
- NBP-Maximum – 79
- NBP-Medium – 62
- NBP-Minimum – 17
- NBP-Reception and Diagnostic Center (RDC) – 9
Sablayan Prison and Penal Farm – 110
San Ramon Prison and Penal Farm – 113
Binigyang-diin ni Catapang na patuloy ang pagsusumikap ng BuCor na mapabilis ang proseso ng paglaya ng mga karapat-dapat na PDL bilang bahagi ng reporma sa hustisyang penal ng bansa.
