
Belgium daw ang posibleng maging takbuhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling aprubahan ng International Criminal Court (ICC) ang hirit nitong pansamantalang paglaya.
Ito ang pasabog na pahayag ni ICC-accredited lawyer Atty. Joel Butuyan matapos lumutang ang balitang may “isang bansa” na bukas daw kumupkop sa dating pangulo habang dinidinig ang kaso nito sa The Hague.
“Hindi binanggit, pero kung pagbabatayan ang mga nakaraang kaso, Belgium ‘yan. Malapit lang kasi ‘yan sa Netherlands—mga isang oras lang ang biyahe mula Brussels papuntang The Hague,” ani Butuyan sa panayam sa One PH.
Sa petition for interim release na inihain ng foreign defense counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman, iginiit nito ang “humanitarian grounds” dahil 80-anyos na raw ang dating pangulo. Pero sabi ni Butuyan, hindi rason ang ed Mas tumindi ang banat ni Butuyan nang sabihin niyang hindi dapat pagkatiwalaan ang anumang pangakong ibibigay ni Duterte sakaling palayain ito pansamantala.
“Simula’t sapul, hindi naman ‘yan kinikilala ang ICC. Pati Konstitusyon natin, paulit-ulit niyang nilalabag. Anumang kasunduang pipirmahan niya ay parang basurang papel lang dahil tiyak na lalabagin niya ito sa unang pagkakataon,” mariing pahayag ni Butuyan.ad o awa sa ilalim ng Rome Statute para makalaya pansamantala ang isang akusado.
Ibinunyag din ni Butuyan na kahit naka-detene si Duterte, tila may banta pa rin sa mga testigo at abogado ng mga biktima ng drug war. Aniya, dapat isaalang-alang ng ICC ang kaso ni Jean-Pierre Bemba ng Congo, kung saan ilang testigo ang nawala at napatay matapos itong makalaya pansamantala.
“Dapat nasa isip ‘yan ng mga ICC judges. Pwedeng maulit ang nangyari kay Bemba kung bibigyan ng kalayaan si Duterte,” babala ni Butuyan.
Sa gitna ng lahat ng ito, tila hindi rin nagpapahuli ang anak ng dating pangulo. Lumalabas sa travel clearance na si Davao City Rep. Paolo Duterte ay nagtungo sa Belgium at iba pang mga bansa tulad ng Hong Kong, China, Malaysia, Japan, US, Australia, UK, France, Netherlands, at Germany mula Marso 20 hanggang Mayo 10—kasunod ng pagkakaaresto umano ng kanyang ama.
More Stories
EJ Obiena muling nabigo sa podium matapos ang ika-7 pwesto sa Diamond League sa Sweden
Konektadong Pinoy Act, magpapabilis at magpapamura sa bayad sa internet sa bansa
E-Gov. Act, magpapabilis sa proseso sa pamahalaan