
ISANG lalaki na sangkot umano sa ilegal na pagbebenta ng baril ang arestado nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng baril ni alyas “Jon-Jon”, 30, at residente sa lungsod.
Inatasan ni Col. Cortes ang Station Intelligence Section (SIS) na isailalim ang suspek sa surviellance at nang positbo ang report, agad ikinasa ng mga operatiba ng SIS ang entrapment operation.
Matapos umanong tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng ibinibenta niyang baril ay agad siyang sinunggaban ng mga tauhan ni Col. Cortes dakong alas-11:00 ng gabi sa Brgy. Daang Hari.
Nakumpiska sa suspek ang isang 9mm pistol na may optic sight at flashlight at buy bust money.
Ayon sa pulisya, kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isasampa nila laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.
More Stories
Palasyo binanatan sina Bato at Baste sa pag-share ng pekeng AI video
PRESYO NG LANGIS, SIRIT NA NAMAN
5-minute rule binigo: 8 police chiefs sa Metro Manila sinibak