SUGATAN ang dalawang pulis at dalawa naman ang masuwerteng hindi nasaktan makaraang aksidenteng mawalan ng kontrol sa manibela and driver at bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang kulay maroon na Toyota Revo (SUV) na may plakang TWG 360 bandang 6:50 ng gabi sa matarik at kurbadandang daan sa Barangay San Roque ng Catanauan, Quezon.
Kinikala ang mga biktima na sina 1.P/Staff Sgt. John Herbert Corona, 41 anyos, na siyang nagmamaneho ng nasabing sasakyan at ang mga pasahero na sina 2.Staff Sgt. Mira Loren, 42 taon gulang at si 3.Staff Sgt. Neil Ian Nieves, 44 at si 4. P/Corporal Dustin Delo, 29, mga naka assigned sa Mulanay Municipal Police Station.
Base sa report ng Catanauan Municipal Police Station patungo ng Buenavista-Catanauan Road ang sinasakyan ng apat na pulis ng mangyari ang aksidente at nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan si Staff Sgt. Loren,habang nagkaroon naman ng minor injury si Corporal Delo at masuwerte naman na hindi nasaktan sina Nieves at Corona, Agad na dinala sa Bondoc Peninsula Hospital District si SSgt. Loren dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan bago inilipat sa MMG Hospital sa Lucena, Quezon.
Ayon naman kay Mulanay PNP Officer in Charge Police Major Joseph Ian C. Java, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga pulis sa isang suspek na may kasong attempted murder na nagtatago sa bayan ng Catanauan ng mangyari ang aksidente. (Erichh Abrenica)
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA