November 21, 2024

AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo

Espesyal na panauhin sina Sen.JV Ejercito (kaliwa) at CSG Dir. Maj. Gen Leo Francisco (gitna) habang nakamasid si Aric Topacio ng organizing AFAD. (kuha ni Menchie Salazar).

NAIKASA na ang 30th edition (ikatlo ngayong taon) ang Defense and Sports Arms Show kahapon sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Buong kagałakan na ipinahayag ni AFAD spokesperson Alaric ‘Aric’ Topacio ang malaking turnout ng mga lumahok na gun enthusiasts para  sa limang araw na gun show na pumutok kahapon at magtatapos sa Nobyembre 25.

Naka-showcase sa kaganapan ang locally at internationally manufactured sporting firearms at shooting products kung saan ang kaganapan ay may malaking hamon kaugnay din  sa firearms industry na may kinalaman sa ipatutupad na gun ban para sa midterm national election 2025. Optimistiko ang mga nanufacturers na di gaanong makakaepekto sa industriya ang ipinatutupad na Comelec ruling.

 “Thanks to all gun afficionados and responsible gun owners who visited the show and explored over 40 exhibitions of more than 100 local and internàtional brands and took advantage of this opportunity to find the best firearms products available,” wika ni Topacio.

Anģ kilalang sports firearms enthusiast na si incumbent Senator JV Ejercito ang siyang panauhing pandangal ng prestihiyosong exhibit gayundin ay espesyal na bisita si Major General Leo Francisco,Director ng Civil Security Group ng markadong defense and  sporting arms exhibit na  inorganisa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD). (DANNY SIMON)