NASA mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos matimbog ng pulisya sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Ayon kay Navotas plice chief P/Col. Mario Cortes, alas- 1:39 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. Bangkulasi, sina alyas “Apeng”, 38, at alyas “Jepoy”, 31, kapwa ng lungsod.
Ani SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr., nakumpiska nila sa mga suspek ang abot 10.27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P69,836.00 at buy bust money.
Dakong alas-12:55 ng hating gabi nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Matangbaka St., Brgy. NBBS Dagat dagatan, sina alyas “Jun”, 34, at alyas “Vicky”, 55, at nakuha sa kanila ang nasa 10.48 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P71,264.00.
Nauna rito, nakalawit naman ng mga tauhan ni Capt. Rufo sa buy bust operation sa Lourdes Compound, Brgy. Daanghari bandang alas- 2:41 ng madaling araw sina alyas “Bay”, 32, at alyas “Chukoy”, 34. Nasamsam sa kanila ang humigi’t kumulang 10.28 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P69,904.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan
Global Day of Action laban sa climate change
Government securities eligible dealers pinuri ni Recto