KALABOSO ang dalawang manyakis na lalaki na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City.
Sa ulat ng Caloocan City Police kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-9 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Caloocan police ang 19-anyos na lalaking akusado sa Phase 4, Powerline, Brgy., 176, Bagong Silang.
Ang akusado na nakatala bilang top 6 most wanted person sa Northern Police District (NPD) ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G Vallega ng Regional Trial Court (RTC) Branch Branch 130, Caloocan City noong June 25, 2024, para sa kasong Rape under Art. 266-A (1) (A) of the RPC in relation to Sec. 5 (A) R.A. 8369 (2 Counts).
Nauna rito, bandang alas-8:40 ng gabi nang madakip din ng kabilang team ng SIS sa manhunt operation sa Macabud Street Barangay 179, Amparo, ang isa pang akusadong lalaki sa panggagahasa.
Inaresto ng mga operatiba ng SIS ang 20-anyos na akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu din Caloocan City RTC Branch 130 noong June 3, 2024, para sa kasong Rape.
Kapwa pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa custodial facility unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY