November 24, 2024

JOHN REGALA, NAHILO AT HIRAP HUMINGA AT UTAL-UTAL NANG MAGSALITA

NANG mamatay ang kanyang inang si Ruby Regala, nagmukhang kawawa na ang actor na si John Regala. Lalo pang naging kawawa si John, nang ito’y na stroke. Doon na gumuho ang mundo ni John, dahil hindi na nga ito makapagtrabaho.

“Si Carl Nathan, ang nagpost ng picture ni John Regala na nakaupo na mukhang may hinihintay. Nahilo pala siya dahil sa paghahanap sa isang nurse, sa Pasay nangyari ang lahat. Nilapitan naman si John Regala ng mga pulis, tinulungan naman siya ng mga ito. Sa una hindi sila magkaintindihan dahil, uutal-utal magsalita ang actor. Pero tinulungan pa rin nila si John, kaya bago nila ito iniwaan ay tiniyak nilang okay na ang actor.

“Bago dumating ang Pandemic, humingi siya ng tulong kay Coco Martin na bigyan nang role sa ‘Ang Probinsyano.’ Dahil financially unstable naman ang kalagayan niya ngayon, dahil wala nga siyang trabaho ngayon sa showbiz. Ang hiling lamang niya ay bigyan siyang muli ng pagkakataon dahil, may talent naman siya sa acting. Sana nga ay matulungan siya, dahil wala na talaga siyang inaasahan pang kita.” Sana mabigyan ng chance si John Regala, na muling makabalik sa showbiz.