May 14, 2024

ALEXANDRA DE ROSSI, KAYANG SAGOT-SAGUTIN SI ANGEL LOCSIN?

TALAGANG hindi napilit ni Angel Locsin si Alexandra De Rossi na mag-join sa kanilang rally sa harap ng ABS-CBN, dahil takot ang actress na magkaroon ng COVID-19. Pero nakikiisa naman ito sa laban ni Angel, kung baga tahimik lang siya pero palaban.

“Mahal ni Alexandra De Rossi ang kaibigan niyang si Angel Locsin, tapat ito sa kanyang kaibigan at never itong naging plastik. Siya kasi iyong tipo ng kaibigan na kung ano iyong totoo iyon lang ang sinasabi ng actress, kaya kaya niyang maging totoo kay Angel.

“Malaki ang takot niya sa COVID-19, kaya ayaw niyang lumabas. Pero tinitiyak niyang kung anong laban ni Angel, ay iyon din ang kanyang laban. Pero kung hihikayatin talaga siya ay kayang-kaya niyang tanggihan si Angel, at tanggap naman ng actress ang pagiging tapat niya,” kwento pa ng aking source.