May 12, 2024

Dalawang araw bago matapos ang Hulyo! COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa higit 85-K

Dalawang araw bago matapos ang Hulyo, umakyat na sa mahigit 85,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH) ngayong araw.

Lumalabas sa datos ng DOH na mayroon ng 85,486 COVID-19 cases sa bansa matapos mapaulat na 1,874 ang nadagdag sa kaso ng tinamaan ng virus.

Sa nasabing bilang, 56,528 ang aktibong kaso.

Nakuha ang mga datos mula sa 83 out of 91 licensed laboratories.

Nasa 16 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,962 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 388 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 26,996 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.