May 19, 2024

GLYDEL MERCADO, ‘DI KONTRABIDA SA KANYANG ANAK NA SINA ANEEZA AT ANEEKA SA PAGPASOK SA SHOWBIZ

MAGANDA ang takbo ng relasyon nina TonTon Gutierrez at Glydel Mercado, nagbibigayan silang magasawa. Pag may hindi napagkakasunduan ay pinaguusapan nila ito at talagang binibigyan nilang magasawa nang solusyon. Tulad na lamang ng kanilang mga anak na gustong pasukin ang showbiz, never na naging kontrabida ang actress.

“Gusto nila iyon, alam mo naman ang Nanay kung ano ang ikaliligaya ng anak basta hindi sila mapapasama go. Never akong naging kontrabida sa aking dalawang anak na sina Aneeza at Aneeka, masaya nga kami ni TonTon Gutierrez dahil napalaki namin silang mababait, masunurin at may takot sa amin at sa Dios. Sa amin ni TonTon, pwede silang mag showbiz during school breaks. Para makapag pokus sila sa kanilang pag-aaral, at para sa amin importante ang edukasyon.

“Ngayong new normal, pwede na kaming magtrabaho ni TonTon. Pero hindi pwede ang sabay, para may magaalaga sa aming dalawang anak. Kung may tanggap si TonTon, ako wala. Kung meron naman ako siya naman ang wala at sabahay na lamang ang wala para siya ang magaasikaso sa aming mga anak. Basta kami ni TonTon, hangga’t maaari ay hindi kami kumokontra sa pagaartista ng aming mga anak.” Pahayag ni Glydel Mercado.