May 14, 2024

ALDEN RICHARDS AT BEA ALONZO, ‘DI RAW BAGAY NA MAGKATAMBAL

HINDI tanggap nang mga fans ni Alden Richards na makapareha ng idol nila si Bea Alonzo, dahil hindi raw bagay ang dalawa. Kung titignan ay mukhang Ate na ni Alden si Bea, pero unfair naman dahil may dating naman ang tambalan nila.

“Mukhang hindi naman nagustuhan ng kampo ni Alden Richards, ang mga ibinabato kay Bea Alonzo. Kung tutuusin wala naman sa idad iyan, isa pa kahit may idad ng konti si Bea kay Alden ay may kilig factor pa rin naman ang dating nila. Kung ang iba ay hindi sila tanggap, mas nakakarami naman ang may gustong magsama sila sa isang proyekto. Sana nga raw ay matuloy ang pagsasama ng dalawa, dahil hinihintay na rin naman nila ito.

“Dedma lang ang kampo ni Bea, dahil gusto naman nilang magkasama sa isang project sina Bea Alonzo at Alden Richards. Kung ito’y matutuloy, susuportahan talaga nila ang dalawa, dahil para sa kanila ay bagay sina Alden at Bea. Kung iniintriga naman ang dalawa, dinededma na lang ng mga fans ni Bea ang naninira sa kanilang idolo dahil alam naman nilang may dating pa rin naman ngayon si Bea at kaya pa rin nitong patunayan na hanggang ngayon ay sikat at may hatak pa rin naman ang byuti niya.” Mataray na pahayag ng aking source.

Well, sana nga matuloy ang nasabing project. Dahil doon natin makikita kung magklick pa rin ang tambalang Alden at Bea.