April 28, 2024

Walang reaction si Ms. Anchor… KORINA SANCHEZ, SA AUGUST NA RAW MAGUUMPISA NG NEWS SHOW SA TV5

DAHIL nawalan nang trabaho sa ABS-CBN, usap-usapan na lilipat na raw ang buong staff ng ‘Rated K’ sa TV5. Gaano kaya katotoo ito? Pero mukhang wala pang sagot si Tita Korina, dahil kung mayroon na ay tiyak na pag-uusapan siya.

“Wala pa talagang desisyon si Korina Sanchez up to now, siguro hindi niya ma-take ang TF. O baka naman ayaw lang niyang mapag-usapan sa apat na sulok ng showbiz, o baka naman hindi niya feel dahil hindi gaanong may dating ang TV5 kaya hindi pa siya makapagdesisyon. Sayang kung hindi niya tatanggapin ang offer, siya rin ang matetengga.

“Kung tutuusin kahit hindi naman na siya magtrabaho buhay Reyna naman na siya, sana alalahanin na lamang niya ang Staff niya. Kung gusto niya talagang makatulong, tanggapin na lamang niya ang alok ng TV5. Tiyak naman na hindi niya ito pagsisisihan, dahil ito ang magdadala sa kanya para maibalik ang kasikatang nawala sa kaniya.

“Waiting naman ang drama ng TV5, kung sasagutin ni Ms. Korina ang offer ng TV5. This coming August, ay pwede na siyang mag-umpisa ng kanyang show. Pero wala pa talagang feed back sa kampo ni Ms. Korina, sayang kung aayawan lamang ang alok sa kanya ng TV5. Hindi naman siya pwede sa ‘Kapuso Network.” Pagtatapos pa ng aking source.