NAGBIGAY ang Local Government Unit ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng iba’t ibang lambat sa mga rehistradong may-ari ng bangka sa pamamagitan ng Handog Lambat Program nito. Aabot 649 na maliliit na mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng 200-meter mesh na lambat sa walong magkaka-ibang laki na maaari nilang gamitin sa paghuhuli ng iba’t ibang uri ng isda, hipon, at alimango. (JUVY LUCERO)


