May 20, 2024

2 MAGSASAKA NAGTAGAAN BULAGTA PAREHO (Dahil sa alitan sa lupa)

Obrero patay sa livewire

PAREHONG binawian ng buhay ang dalawang magsasaka sa insidente ng tagaan dahil sa dati umanong alitan sa lupa sa Barangay Silongin, sa bayan ng San Francisco, lalawigan ng Quezon nitong gabi ng Biyernes ng gabi, Disyembre 1.

Kinilala ang mga namatay na biktima na si George Hipgano at ang suspek na si Leonido Tahup, mga nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lugar.

Lumalabas  sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi nang kapwa nagsisilong ng kani-kanilang mga kalabaw ang biktima nang sugurin at pagtatagain na suspek subalit nagawang makaganti ng biktima.

Kapwa nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kani-kanilang mga katawan ang biktima at suspek. Dinala na sa San Francisco Rural Health Hospital ang mga labi ng dalawang magsasaka para sa gagawing post-mortem examination. (KOI HIPOLITO)