DINAMDAM pala ni Ms. Kris Aquino, ang hindi pagkatuloy ng kanyang show sa TV 5. Asang-asa pa naman siya na makakabalik na siya ngayong taong 2020, pero hindi naman ito nagkaroon nang kaganapan.
“Noong una ang buong akala ni Kris Aquino, ay okay na lahat. Pero nang malaman niyang hindi na siya matutuloy, laking lungkot tyalaga ang dala sa kanya. Buo rin ang tiwala niya sa Cornestone, na siyang namamahala ng kanyang career. Alam na niyang plantsado na ang lahat, pero nagkaroon ng twist at hindi na nga ito matutuloy pa. May mga hindi inaasahang pangyayari kung bakit ito hindi natuloy at, tuluyan na ngang naudlot.
“Nalungkot din si Kris Aquino, sa pagsasara ng ABS-CBN, dahil hindi lang siya ngayon ang nawalan ng show. Halos lahat ng mga artista ng Kapamilya Network ay pawang mga nakatengga na ang kanilang mga showbiz career, kaya naman hindi na siya ngayon nag-iisa dahil marami sa mga sikat na stars ang mga wala ngayong trabaho.” Salaysay pa ng aking pinagkakatiwalaan source.
More Stories
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?
JOJO NONES KAY JINGGOY ESTRADA: SORRY