May 19, 2024

ANGEL LOCSIN AT DINGDONG DANTES, PAGIINGAY AT PAGHIHIKAYAT MAAGANG POLITICAL CAMPAIGN

MGA artista na ngayon ang malakas ang loob na pasukin ang politika, ang dahilan ay upang tumulong daw sa kapwa nila Pilipino. Si Angel Locsin at Dingdong Dantes, nagiingay at naghihikayat para pala iyon sa maagang Campaign nila kapag sila’y tumakbo sa politika.

“Sana mali kami, kaya pala panay ang pagtulong ni Angel Locsin at panay ang pagpapaganda ng image ay dahil plano pala nitong tumakbo sa darating na halalan. Ginamit niya ang pagiingay niya at paghihikayat, upang mapansin siya . Hindi pa nakontento at naghikayat pa ito, kahit may Pandemik na kumakalat dedma lang mairaos lang ang pansariling intension.

“Si Dingdong Dantes naman, ginawaran pa nang award na ang buong akala ng madlang pipol ay kampi siya sa Gobyerno ng Pilipinas. Ang totoo pala ay against siya, at kumampi sa mga Terorista. Nagtayo ng samahan upang ang kapwa niya artista ay makisimpatya sa kaniya, at ang balita naming ay kaya pala siya nagiingay ay tatakbo raw siya sa darating na eleksyon.

“Sana totoong maganda ang layunin ninyo sa Pilipinas at sa Mamamayan nito, huwag sanang pansariling interest lang ang inyong hangad kaya kayo tumakbo. Dahil kung talagang serbisyo at maka-Dios na paglilingkod ang pakay ninyo, sino naman kami para hindi kayo ibot.” Mataray na salaysay ng aking source.