NALAMBAT ng pulisya ang dalawang lalaki na listed bilang most wanted sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-8:45 ng umaga nang magsagawa ng pagsisilbi ng warrant of arrest ang pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt Doddie Aguirre at Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Ronald Bautista sa No. 1231 E. Yellow Bell St., Brgy. Malinta kontra sa akusadong si Allan Alejo, 43.
Ani Cpt. Aguirre, hindi na pumalag ang akusado nang arestuhin nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong April 14, 2023, para sa kasong Robbery under Art. 294, par 5 of the RPC, as amended (Robbery with violence against or intimidation of persons).
Bandang alas-4:00 naman ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU) sa pangunguna ni PLt Bautista, kasama ang limang iba pa sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Robin Santos, hepe ng SIDMS ang warrant of arrest laban sa isa pang most wanted na si Julius Garcia, 36, ng No. 3086 Don Ciriaco Street, San Agustine Village, Brgy. Mapulang Lupa sa Pandayan Book Store, along Maysan Road, Brgy. Malinta.
Sinabi ni Col. Destura na dinakip ng kanyang mga tauhan si Garcia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu din ng Family Court Branch 16, Valenzuela City noong March 10, 2023, para sa kasong Sexual Assault in rel. to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Child Abuse Law (4 counts).
Dahil dito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio PeƱones Jr, ang Valenzuela CPS sa pamumuno ni Col. Destura sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang MWP.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag