Nagpahayag ng mataas na kumpiyansa kay DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte ang mga guro at mga mag-aaral sa Masbate naapektuhan nang pag-atake ng mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army noong Marso 22 nang dumalaw ang Kalihim sa lalawigan ng Masbate
Pitong eskuwelahan ang binisita ng Bise Presidente, ang Palani Integrated School sa Balud; Guindawahan Elementary School sa Pio Corpuz; Locso-an Elementary School at Arriesgado Sevilleno High School sa Placer; Villa Hermosa Elementary School at Villa Hermosa National High School sa Cawayan; at ang Masbate Comprehensive National High School sa Masbate City.
Pinangunahan ng Kalihim ang pamamahagi ng mga school supplies at dental kits sa mga estudyante sa pitong public schools kung saan 1,513 students ang tumanggap PagbaBAGo kits.
Sa naturang pagdalaw, ay nakipagdayalogo ang Kalihim sa mga school heads at mga guro, nakinig sa kanilang mga alalahanin sa sektor ng edukasyon gaya ng pagtatayo ng school buildings, pagbabawas sa paper works ng mga titser at pagsasagawa ng stress debriefing matapos ang sagupaan sa pagitan sa pagitan ng NPA at tropa ng sundalo.
Isa sa mga school head ang nakausap ng Bise Presidente, at ito ay si Jeanina Cababan, ng Guindawahan Elementary School, na nagpasalamat sa pagdalaw ng Bise Presidente.
Nalulugod aniya sila at nadalaw ng Pangalawang Pangulo na isang pambihirang pagkakataon na sila ay puntahan ng mataas na opisyal ng pamahalaan. Sa huli, tinuran ni Cababan na mataas ang kanilang kumpiyansa na hindi sila bibiguin ng Bise Presidente.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan