TUMANGGAP ng panibagong gawad si long jump queen Elma Muros-Posadas ng Pilipinas sa idinaos na San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association annual awards sa Diamond Hotel kamakalawa ng gabi’ .
Ang Magdiwang, Romblon pride na kumopo ng 15 ginto sa SEAgames at back-to-back Asian gold medalist ay ginawaran ng Lifetime Achievement Award na pinkamataas na rekognisyon sa isang atleta na ipinagkaloob ng PSA na kasalukuyang pinamumunuan ni president Rey Lachica ng Tempo.
Ang hepthatlon queen ding si Muros-Posadas ay naging myembro ng Philippine Track and Field kung saan si Elma noon ang itinuturing na reyna bilang fastest woman.
Ang 55-anyos nang Track queen ay tinanggap ang gawad at kabilang na sa mga pinagpipitagang elite heroes na sina Efren ‘Bata’Reyes, Filomeno “Boy”Codiners Virgilio ”Baby’Dalupan, Ramon Fernandez at Robert Jaworski na mga past awarding institutes.
Si Elma na maybahay ni national athletics coach Jojo Posadas at ina ng dalawang supling ay produkto ng Project Gintong Alay at nagmarka ng kayang pangalan sa long jump kung saan siya naging suprema sa SEAGames at Asiad nang matagal na panahon.
Ang two-time PSA Athlete of the Year awardee (1993 at 1995) ay naging dalawang beses na Olympian noong 1984 Los Angeles at 1996 Atlanta Olympic Games.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag