TINITIYAK ng Department of Transportation na susunod sa batas nang maayos na pagtatapon ang pamahalaan patungkol sa mga traditional na jeepney na hindi na maaaring pakinabangan.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na, bahagi ng PUV modernization ay ang fleet replacement o papalitan ng bago at environment friendly na unit ang mga luma na at hindi na maaaring makabiyahe na jeepney.
Nilinaw din ng kalihim na sa ilalim ng vehicle useful life, ang disposal ay isa sa mga mahahalagang components ng sinusulong na PUV modernization program ng pamahalaan.
Sa ilalim nito aniya, ay maglalagay ng pasilidad para sa maayos at tamang pagbaklas ng mga lumang jeepney na isusurender ng mga may-ari.
Ang kikitain sa mga bahaging ma-i-scrap ay gagamiting dagdag na puhunan sa programa.
Samantala, nalaman din sa kalihim na hindi na tatapusin ang 7-day transport strike ng mga tsuper at operator ng traditional jeepneys.
Magsasagawa na rin aniya ng dialogue sa mga grupong kalahok sa tigil-pasada, ngunit sa ngayon aniya ay wala pang grupong nagpaparamdam upang makipagdayalogo.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela