ISINELDA ang isang estudyante na listed bilang most wanted sa kasong murder matapos madakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Rench Marwin, 18, grade 10 student, at residente Block 3, Lot 86, Phase 2, Area 3, Barangay Longos, Malabon City.
Ayon kay Col. Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons ay nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PMSg Joel Olidan ng pagsisilbi ng warrant of arrest in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Marwin sa kanilang bahay dakong alas-12:40 ng hapon.
Si Marwin ay dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 4, Malabon City noong February 21, 2023 para sa kasong Murder, na may inirekomendang piyansa na Php300,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones ang Malabon CPS dahil sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?