December 25, 2024

UP-PGH HINDI ISASAPRIBADO – NEDA

TINIYAK ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan sa publiko na hindi isasapribado ang operasyon ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).

Ginawa ni Balisacan ang pahayag matapos apribahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagpapatayo ng P6-bilyon na cancer center sa UP-PGH sa Maynila.

To set the record straight, there will be no privatization of PGH services. The government shall own the entire facility and PGH shall continue to operate as a public hospital,” pahayag ni Balisacan.

Ang UP-PGH cancer center ay ang kauna-unahang public-private partnership (PPP) project na inaprubahan sa ilalim ng administrasyon ni Marcos.

“The private partner will build the facility. They will design, they will engineer and construct the facility, then transfer it to the UP-PGH,” paliwanag ng opisyal. Maililipat lamang ito sa UP-PGH matapos ang 30 taon base na rin sa probisyon na nakapaloob sa Build-Operate-Transfer (BOT) scheme.