TATLONG katao ang napaulat na nasugatan matapos sumiklab ang sunog bago ang pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga nasugatan bilang sina Jay ar Perez, 32, nagtamo ng sugat sa kanang kamay, Jeffrey Magtango, 28, nagtano ng sugat sa kaliwang pulso at Mark Allen Palomata, 24, nagtamo din ng sugat sa kaliwang kamay.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SFO1 Neil Kelvin Villanueva sa pangunguna ng Ground Commander na si FSUPT Alberto De Baguio, dakong alas-2:28 ng hapon nang biglang sumiklab ang sunog sa isa umanong cold storage sa Navotas Fishport Complex, Banera St., NBBN kaya mabilis na rumespnde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer.
Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay na ang ilang kabahayan kaya’t kaagad inakyat sa ikatlong alarma ang sunog bandang alas-2:35 ng hapon kung saan ideniklarang fire under control ng BFP dakong alas-5:45 ng hapon.
Wala naman napaulat na nasawi sa insidente habang ayon sa BFP, isang cold storage at humigi’t kumulang 50 kabahayan ang tinupok ng apoy samantalang inaalam pa ang halaga ng napinsalang mga ari-arian at kung anu ang pinagmulan ng sunog.
Naging malungkot naman ang pagsalubong ng Bagong Taon ng ilang pamilya na naapektuhan ng sunog na pansamantalang nanunuluyan sa NBBN covered court kung saan agad din naman silang binigyan ng tulong na pagkain, tubig at iba pang pangunahing pangangailangan ng pamahalaang lungsod.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!