September 19, 2024

PITMASTER FOUNDATION PATULOY ANG SUPORTA SA PWDs AT SENIOR CITIZENS SA METRO MANILA

PATULOY sa pamamahagi ang Pitmaster Foundation ng libreng wheelchair sa mga senior citizen at person with disabilities (PWDs) sa Metro Manila sa pangunguna ni Pitmaster Foundation Director Atty. Caroline Cruz.

Ito’y bilang bahagi ng ginagawang pagsuporta ng nasabing foundation sa vulnerable Filipinos, lalo na sa mga may kinakaharap na problema sa kalusugan sa gitna ng pandaigdigang pandemya.

Pinalakas ng Pitmaster Foundation ang mga pagsisikap nito na magbigay ng mga kagamitan at kasangkapan na kailangan ng mga PWD at senior citizens upang mapataas ang kanilang kadaliang  kumilos at produktibidad  sa kanilang pang-araw-araw na gawain.