ANG pagtupad sa pangako sa pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo para sa kanyang mga nasasakupan, pinangunahan ni 1st District Representative Congressman REX Gatchalian ang pamamahagi ng medical at burial assistance sa mga Valenzuelano sa ilalim ng probisyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Assistance to Individuals/Families in Crisis Situation (AICS).
Nasa 300 katao ang nakatanggap ng tulong medikal at 50 indibidwal ang nabigyan ng burial assistance ng lokal na pamahalaan. Ang tulong medikal at burial cash na ibinigay sa mga benepisyaryo ay magsisilbing suporta sa pagbabayad ng mga medical bills, pambili ng mga gamot, at gastusin sa burol.
Ang DSWD ay naging mahusay at mabisang support system ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pagtiyak ng kagalingan ng mga nasasakupan nito. Kasunod ng DSWD’s Memorandum Circular No. 02, Series of 2014, ang AICS program ay bahagi lamang ng kanilang malawak na mga programa na tumatalakay sa kanilang mga serbisyong proteksiyon para sa mga mahihirap, marginalized, at bulnerable/disvantaged na indibidwal.
Bukod dito, patuloy silang nagbubuo ng mga programa na naglalayong protektahan ang mga karaniwang tao mula sa mga sakuna at bigyan sila ng magandang kalidad ng buhay.
Si Jennie Junio, 36, isa sa mga nakatanggap ng tulong medikal at may kapansanan sa paningin, ay pumunta sa distribution site upang kunin ang kanyang cash support. Nakatanggap siya ng PhP 3,000 medical aide, na inilaan para sa kanyang paggamot sa mata dahil mayroon siyang problema sa mata na tinatawag na astigmatism at nahihirapan siyang gampanan ang kanyang mga responsibilidad sa trabaho bilang isang teller sa isang lottery. Sinabi naman ni Cong. Rex na nagpapatuloy kanyang medical missions bawat linggo sa buong lungsod.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!