May 16, 2024

5 PATAY SA NASUNOG NA PAGAWAAN NG ILLEGAL NA PAPUTOK

PATAY ang limang katao matapos sumabog ang illegal na pagawaan ng paputok sa Laguna noong Huwebes.

Ayon sa report, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa bahay ng mga biktima sa GK Village, Sitio Majada, Barangay Canlubang, Calamba City.

Kinilala ang mga biktima na sina Leticia Yutan Corral, 83; James Darwin Corral Delluson, 22; Ryan James Guttierez, 18; Kenneth Buebo, 24; at isang hindi pa nakikilala.

Sa paunang imbestigasyon, nakarinig umano ng pagsabog ang mga residente mula sa nasunog na bahay.

Apat na bahay ang nadamay sa insidente.

Hindi rin umano residente sa lungsod ang ilang biktima sa pagawaan ng paputok.

Inaalam pa ang mga awtoridad kung sino ang may-ari ng bahay at nag-o-operate sa pagawaan.

Idineklarang kontrolado na ang sunod pagsapit ng tanghali. Nakita ng mga tauhan ng Bureau of Protection sa loob ng natupok ng bahay ang wala ng buhay na katawan ng mga biktima.