DINOMINA nina Nicole Novino at Rhian Napoles ang kanilang weight division sa 8th Philippine Sports Commission Women’ s Martial Arts Festival kahapon sa Judo Center Gym sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ang sophomore student ng National Academy of Sports(NAS) na si Novino ay nangibabaw sa women’s – 44 kg division matapos manalo via ippon kontra Mikeighla Louise de Vera ng Baguio Judo Club.
Halatang nakapa-adjust na si Novino ng Muntinlupa Judo Club sa kanyang transisyon mula kata tungong judo matapos ang kumbinsidong panalo niya kina Llorine Dizon at Princess Maurine Dizon sa preliminaries patungong finals.
“Hindi po ito first na nakalaban ko si de Vera,magaling siya kaya thankful po ako sa aking pagkapanalo,” wika ni Novino na nagpasalamat din sa pagkakaroon ng ganitong uri ng kumpetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission at suportado ng Pocari Sweat at Go21.
Nasungkit naman ni Napoles ang ginto sa -48 kgs matapos gapiin si Mariana Alicia Roces habang nagreyna din sina Shanaia Ybe Febrer at Janice Serrano sa -32 at -40 divisions.
More Stories
Gatchalian: Mga out-of-school children at youth ibalik sa mga paaralan
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS