PINAG-IISIPAN ni Manila Mayor Honey Lacuna na dalasan ang pagbisita sa mga barangay upang personal na magbakuna at upang mahikayat din ang mga residente na tumanggap ng booster shots.
Isinagawa ni Laguna ang pahayag matapos pangunahan ang paglulunsad ng “PinasLakas” vaccination campaign noong Hulyo 26 sa barangay Paco, Manila.
Kaisa ng lady mayor ang national health authorities sa pagsisikap na hikayatin ang eligible population na magpa-booster shots sa pamamagitan ng kampanya na tatagal ng 100 araw.
Ayon kay Lacuna, prayoridad nila ang mga senior citizen para mabakunahan habang hinihimok ang lahat na magpa-booster.
Bilang isang doktor, binigyang-diin ni Lacuna ang kahalagahan ng mabakunahan, maging ito man ay primary o booster, para dagdag proteksyon laban sa COVID-19.
Naging interesado ang alkalde nang bumisita siya sa isang barangay upang suportahan ang vaccination kung saan siya mismo ang nagbakuna, tanging sampung katao lamang ang nakalista, pero lumubo ito nang dumating at makita na siya ng mga tao.
“Nung makita ako, dumami kaya mas dadalasan ko, ako na mismo ang bibisita sa inyong barangay para mas makahikayat ng magpa-pabakuna,“ saad ni Lacuna.
Matatandaan na kahit sa kasagsagan ng pandemya, mismong si Lacuna ang personal na nagbabakuna sa iba’t ibang itinalagang vaccination sites ng pamahalaang lungsod.
Nagsagawa din si Lacuna ng home service vaccination para sa mga residenteng bedridden o walang kakayanang pisikal na pumunta sa vaccination hubs.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY