April 18, 2024

Creamline, hinambalos ang Army Black Mamba

Hinambalos ng Creamline Cool Smashers ang Army Black Mamba sa PVL Invitational Conference semifinal round. Dinurog ng una ang huli sa 4th set game, 25-21, 23-25, 25-19, 25-17. Tawag pansin naman si Tots Carlos sa bagong tinang buhok nito na kulay pink. Aniya, subok lang daw ng bagong hair style. Na kagaya ng kulay ng jersey ng kanyang team.

Bumira si Carlos ng 24 points, 21 kills sa 46 attempts at 19 digs.

(PVL photo)

 “Just like what coach said, we trained for this kind of situation. We train to recover mentally when we lose a set or points. We just have to focus on what’s next,“ aniya.

Ang top 2 teams ang tutuntong sa winner-take-all Final sa Aug. 14 sa MOA Arena. Sunod na haharap ang Cool Smashers sa PLDT bukas. Pagkatapos nito, sasagupa sila sa foreign teams na Kobe Shinwa University ng Japan sa Lunes. Susundan naman ito ng King Whale Taipei sa Miyerkules, Aug. 10.

Pangalawa ang Cool Smashers sa pwesto sa semis na may 1-0 record. Nalaglag naman sa 0-2 ang Black Mamba.