November 24, 2024

GILAS PILIPINAS, TITIMUNAN NG DATING HEAD COACH NG NEW ZEALAND

May bigating coach na isasalang sa Gilas Pilipinas para ma-improved ang laro ng team. Ito’y paghahanda ng team sa third window ng 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers. Ayon kay team manager Butch Antonio, napipisil nilang titimon si Nenad Vucinic bilang coach.

Si Vucinic ay former head coach ng New Zealand basketball team. Nagsilbi rin itong assistant kay Chot Reyes sapol noong February. Kalaunan, na-appoint ito sa coaching staff ng Meralco. Nagbigay naman ng welcome si Bolts coach Norman Black sa pagkakamda ni Vucinic.

Sasagupa ang Gilas sa New Zealand sa Auckland sa June 30 sa MOA Arena. Haharap naman sila sa India sa July 3. Ang Pilipinas ay qualified na sa second round kahit na may 1-1 record sa Group A.

Sumailalim sa reboot ang national team matapos ang silver medal finished sa 31st SEA Games. Muling sasabak ang Gilas sa third window sa July sa Indonesia.